Saturday, September 24, 2005

Pagbigay Pugay

I would like to express my gratitude to those who helped me 'Vicky-Belo' this blog:

1. Bro. Ryan Echevarria, SJ: Dahil nakita ko sa blog mo na may links ka, nagtaka ako bakit 'yung akin wala. Tapos tiningnan ko 'yung template ng blog ko (kahit na wala ako'ng alam sa mga html chuva) at hinanap kung saan pwede maglagay ng links. At nakita ko rin sa pinakadulo ng blog mo na nilagyan mo ng quote, sabi ko, gusto ko rin, kaya hinanap ko rin kung saan 'yun. And voila! Meron na! Whee!!!

2. Nicolo Ludovice: Dahil nakita ko sa blog n'ya na iba 'yung nakalagay sa 'comments' part ng entries n'ya, tinanong ko s'ya paano ko mababago 'yung akin. S'ya rin ang nakaisip ng ipapalit ko'ng pangalan doon! Whee!!!

3. Hazel Nakpil-Castillo: Dahil nakita ko na may sitemeter ka (at si Bro Ryan) at tagboard, nainggit ako at tinanong ko kung paano maglagay ng mga ganoon sa blog ko. Faster than a speeding bullet ka'ng nag-e-mail ng instructions at sinabihan mo pa akong SMART to figure it out.Ü Yessss!!! hahaha

4. Matthew Dy: Dahil sa pag-recommend mo ng tagboard site, napadali ang paglagay ko nito sa aking bloggie. Tama ka nga, super one-two-three magic lang s'ya gawin! Bibidibobidiboo!

5. Jong Figueroa: Dahil nakita ko sa Friendster account mo 'yung John Legend video, pinuntahan ko kaagad 'yung site at kinopya ko rito at pati sa Friendster account ko. I had to adjust the video player size though kasi masyadong malapad 'yung original size ng video player para sa sidebar ko rito sa blog. Buti na lang din at madaling sundin ang instructions sa pag-resize kundi sabog na ang itsura ng blog ko. hehehe


Oo na. Gaya-gaya na ako. Hahaha!