Wednesday, September 21, 2005

Deadline

Tumatakbo
By: MOJOFLY

Laging bigo laging sawi sa pag-ibig
Minamalas o kay sakit
May balat nga ba ako sa pwet
Mabuti pa ang tindera sa aming kanto
Nakakainggit TL ang sweet nila ng
Kanyang nobyo
Gusto ko lang maranasang umibig
Tamaan ng kupido
Gusto ko lang maranasan ang langit
Tumibok muli ang puso ko


Tumatakbo ang oras naiiwan na ako
Ng panahon

Di na nagbago bawat araw pare-pareho
Parang kahapon

May birthday cake ka nga
Ngunit wala naman kandila
May Christmas tree na malupit
Wala naman dekorasyong pansabit
Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Ayoko sanang tumandang nag-iisa

Tatanggapin na lang ba ang malupit
Na tadhana o kaya'y
Tatanggapin na lang ba na ako'y
Sadyang hindi pinagpala?

Tigilan na ang drama
Punasan na ang luha

No comments: