Monday, September 20, 2004

Hagulgol

'Di ko nais ang makalimutan ka.
Alam kong naiintindihan mo ako.
'Di ko inakalang ganoon ka pala naaapektuhan sa nangyayari sa atin.
Pasensya na. Pasensya na. Pasensya na.

H'wag ka nang malungkot, mahal.
'Di kaya ng puso ko'ng marinig ang iyong mga hikbi.
Sana mahimbing ang iyong pagkakahimlay ngayong gabi.
Ako'y nasa iyong tabi, kahit sa panaginip lamang.

Panatag ang aking loob na magiging mabuti ang lahat para sa ating dalawa.
Tahan na, mahal ko. H'wag ka nang mangamba.
Kaya natin ito. Nakayanan na natin dati, 'di ba?
Mag-iingat ka lagi, mahal. Lagi kitang ipinagdarasal.

Sa bilang ng tatlo tayo magtatapos. Hanggang dito na lang.
Isa...
Dalawa...
Tatlo.

.

1 comment:

Nan Santamaria said...

try this: http://peyups.com/article.khtml?sid=3784
hehe.