Thursday, September 02, 2004

Ako, Ikaw -- Sa Pasko

Nag-aalala ako sa 'yo, mahal ko.

Sobra ka na ba'ng nagpapakalunod sa ginagawa mo?

Sana hindi mo tinatakasan ang katotohanang kailangan nating harapin.

Ako, aaminin ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko. Parang walang nangyayari. Pero pakiramdam ko na AKO ang walang ginagawa.

AKO na nagpasimuno ng lahat ng ito.

AKO na may kasalanan sa lahat ng paghihirap natin ngayon.

Ang daming beses na'ng nagdaan na gusto ko nang bumigay, na gusto ko nang sumuko dahil sa hirap at sakit na nararanasan ko.Pero tuwing nangyayari ito, pumapasok ka lagi sa isip ko.

IKAW na sumama sa akin.

IKAW na pinagbigyan ako.

IKAW na naghihirap din ngayon at nagtitiis.

Dahil dito, nagsisilbi kang inspirasyon para sa akin na kayanin ito.

Sana Pasko na...


Salamat sa mapang-unawa at mapagbigay mong puso.

No comments: