Saturday, August 14, 2004

The Answer

Grabe. Hindi ko akalaing maraming matatamaan sa previous post ko. Salamat sa mga nag-comment.Ü

So, ano nga ba ang sagot sa tanong?

Well, tama si Michee. Parehong masakit.

BUT!

I'd have to say, mas mahirap ang MANG-IWAN.

Bakit?

Let's look at it from both sides.

Kapag naiwanan ka, masakit. There's no doubt about it. Syempre ayaw mong mawala 'yung tao, pero ayaw na nga n'ya, tulad nga ng sabi ni Michee.

Kapag nang-iwan ka naman, masakit din. But, in terms of coping, mas mahirap. Bakit? Kasi, may desisyon kang kailangang panindigan. Lalo na kung ayaw mo talagang pakawalan 'yung tao, pero alam mong it's for the best of the both of you kaya mo s'ya iniwan.

Kumbaga, 'pag naiwan ka, puro puso, kasi masakit. 'Pag nang-iwan ka, may puso na, pati utak mo ginugulo ka pa.

But I'm not saying I'm right. It's just how I understand it from what I experienced.

It's all relative.

Kumusta ka na?

1 comment:

creambabe said...

Yea, maraming natamaan, ate Chinks. But these kind of things are really meant to be discussed because you will never get a concrete answer.

Hmm.. If you take it into account that I would like to be with the person, definitely both cases would hurt.

Kapag ikaw nang-iwan.
Desisyon mo. Utak at puso ginamit, tulad nga ng sinabi niyo. Pero ikaw yung nagkaroon ng lakas para harapin, tanggapin at panindigan na kailangan niyong maghiwalay. Para sa isang taong gawin iyon, tibay ng loob ang kailangan. Kahit mahirap, masakit, nakayanan mo. And although it deviates from conviction, it's possible to take it back because it's your decision. (may sense ba?)

Kapag ikaw ang naiwan.
You may be caught off-guard. Kahit alam mong kailangan, posible namang hindi mo maisip na gagawin yun sayo -- ang iwan ka sa ere. Masmasakit kasi parang nawalan ka na ng pag-asa. Para kang iniwan ng dingding na sinasandalan mo, na akala mong hindi ka iiwan. Masakit din kasi hindi mo desisyon. Limitado lang ang kaya mong gawin para ibahin ito. At lalong masmahirap ipilit ang sarili mo sa taong ayaw na sa'yo.

Yun lang naman ang akin.. Grabehan, nakakabulabog ng damdamin. :(