Monday, December 27, 2004

Pananahimik

Ang hirap talaga nito.
Kahit anong pilit mo'ng h'wag s'yang hanap-hanapin,
Laging may ibang taong hinahanap s'ya sa 'yo.
Wala kang magawa.
Ngingiti. Tatawa.
Sasagot na parang walang nangyari.
Sasagot na parang walang tinatago.
Kung alam lang nila.
Kung alam lang nila.

Ayaw mo nang magtago.
Ayaw mo nang matago.
Gusto mo'ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal mo s'ya.
Gusto mo'ng ipagsigawan n'ya sa buong mundo na mahal ka n'ya.

'Asa ka na lang.
'Asa ka pa.

No comments: