Pagkalembang ng batingaw
Aking puso'y napapahiyaw
Lumulukso sa pagdating
Ng ginaw na dala ng
Nagsisimulang araw
Magsisimbang gabi na naman ako
Kasama mo
Maririnig ko nang muli
Ang tinig mong inaawit
Ang himig ng Pasko
Sa simula ng pagdarasal ko
Ngalan mo'y agad sa puso ko
Sana nama'y idulot N'yang
Mabago ko ang mundong
Iaalay ko sa 'yo
Sa araw ng Pasko magsisimba ako
Kasama mo
At doon ko iaabot ang anumang nabago ko
Kasama 'tong aking inaawit
Ipamamalas ko ang pag-ibig na nadarama sa 'yo
Katulad ng pagmamahal
Na sanhi ng pagdiriwang
Nitong ating Pasko
O giliw ko
At sa araw na ito alalahanin mo'ng handang-handa akong
Maging kapiling mo
Kahit matapos na itong Pasko
Naalala mo pa ba, mahal, noong kantahin natin ito nakaraang Pasko? Nagtawanan pa tayo pagkatapos dahil kinanta mo 'yung dapat na parte ko. Nakaupo tayo at yakap-yakap mo ako, habang kumakanta tayong nakatingin ako sa mga mata mong maamo at hinahaplos ko ang iyong mukha.
Higit na sa isang taon ang nakalipas, mahal, 'di pa rin kita matanggal sa aking puso't isipan. Pilit kong tinatanggihan ang sarili ko sa pag-asang 'pag dumating ang panahon ay magiging akin ka nang tunay. Isa ka lamang panaginip -- maganda, masarap alalahanin, ngunit hindi totoo. Tama ang mga kaibigan ko, dapat na kitang pakawalan. Inuunti-unti ko araw-araw.
Ngunit nang tanungin kita kagabi tila ikaw ang ayaw bumitaw sa akin. 'Di ko maintindihan. Akala ko ba desidido ka na? Akala ko ba wala nang makapagbabago pa ng isip mo? Kung kailan unti-unti ko nang natatanggap ang mapait na katotohanan, saka ko ito malalaman. Ngayon hindi ka sumasagot. Wala kang imik. Tameme ka naman. 'Di mo alam paano sagutin ang mga tanong ko. Sinabi mo sa akin noon at inulit mo kagabi na takot kang mawala ako sa 'yo. Akala ko tapos na 'yan. Akala ko sabay tayong bumibitaw sa isa't isa. Bakit ka ganito ngayon? Ano'ng nangyayari sa 'yo, mahal ko...?
Mahal... Pagod na ang puso ko... Ayaw ko nang umasa... Handa na akong umusad... Takot din naman akong mawala ka pero 'di na maganda ang nangyayari sa atin... sa 'yo... Hangad ko lang naman ang kaligayahan mo, pero ngayon, 'di ko na alam kung tama ba itong ginagawa ko. Hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong gawin... Hindi ko na alam... :(