Hindi ako nakapag-comment sa year in review ko. Hindi ko muna maatupag yung reflection ko on my immersion kasi medyo sabaw ang utak ko dahil sa sipon (yak!).
Napansin ko lang na puro mga summaries lang ang pinopost ko rito sa blog ko over the past year. Kung hindi naman yon, puro naman ang-tagal-ko-nang-hindi-nagsusulat-ng-matino-dito posts. Or puro pictures naman. Hay. Ewan ko. Walang panahon. Laging may ginagawa o kailangang alalahanin.
Naiinis pa rin ako hanggang ngayon, kasi gusto kong manahimik at maglaan ng panahon para pag-isipan ang mga dapat kong pag-isipan ngayong malapit na akong magtapos sa pag-aaral. Ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Magtuturo ba talaga ako? Mag-co-corporate ba ako (Please, Lord, huwag.)? Sasali ba ako sa JVP? Kukuha na ba ako ng M.A.? Magbabakasyon ba muna ako? Tutulong ba ako sa family business? Magmamadre ba ako? (Yes, napag-iisipan ko rin 'yan.)
Syempre hindi lang yan kinabukasan ko ang pinag-iisipan ko. Pati yung mga magulang ko na unti-unti nang tinatamaan ng mga sakit. Ano na ang mangyayari pag biglang may mawala sa kanila? Paano kaming magkakapatid? Paano ang negosyo? Si kuya, wala pa ring trabaho. Anong mangyayari sa kanya? Ang nakababata kong kapatid, na madalas pasaway at gastador, anong mangyayari sa kinabukasan nya?
At si Mahal. Ano'ng mangyayari 'pag balik n'ya? (Hanggang d'yan na lang muna ang tanong tungkol sa kanya.)
At ang pinakaimportante pero laging naisasantabi: si Lord. Kailan kaya ako makakabalik sa Kanya? Kailan ko tatanggalin ang poot at katigasan ng ulo ko para matanggap ko Siyang muli sa buhay ko? Handa ba akong tanggapin Siya ngayong Kapaskuhan?
Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Sana makapagnilay-nilay ako nang kaunti ngayong bakasyon.
Pero bago ang lahat, party muna! Woohoo!!! Sana dumating na ang mga tao! hehe!Ü