Monday, August 29, 2005

Gastric Disturbance

50th birthday ng tatay ko ngayon. Dapat kakain kami ng hapunan sa labas pero inatake 'yung sikmura ko kaya hindi na kami tumuloy. Nakakahiya nga kasi alas-singko sumakit 'yung sikmura ko at walang naihandang ulam para dito sa bahay ngayong gabi. Bakit sumakit ang sikmura ko? STRESS.

Stress sa mga kailangang aralin at gawin para sa eskwelahan.

Stress sa masalimuot na sitwasyon ng ating lipunan -- sa gobyerno, sa mga nagpapahirap sa tao, at lalo na sa mga nahihirapan dahil sa kapabayaan ng iba.

Stress sa mga taong may magandang hangarin para sa kinabukasan ng bayan ngunit mali ang itinuturo at ipinapakita sa kabataan.

Stress sa mga taong hindi ko maintindihan kung bakit ganoon mag-isip at umasta pero kabalbalan lamang ang mga ginagawa at sinasabi.

Stress sa mga taong malabo ang paninindigan.

Stress sa mga taong walang paninindigan.

Stress sa "pagkawala" ng isang matalik na kaibigan.

Hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Lintik.

No comments: