Narinig ko sa radyo nung Friday na break-up season daw ngayon. Gusto kong maniwala na hindi, pero parang totoo. Paano ko nasabi? Maraming ebidensya. As in.
May nabasa akong blog entry ng isa kong kaibigan. May karanasan sya na matagal ko nang gustong maranasan. Ayaw kong ikwento kasi baka makasuhan pa ako ng copyright infringement hehe. Pero bottom line, naramdaman nya na sobra syang special. Ewan ko ba. Minsan iniisip ko na I'm so hard to please. Tipong high maintenance person pero not in material & superficial aspects but more of emotional support yung kailangan ko. Hay. Basta, nainggit ako sa kaibigan ko.
May nasabi sa akin si Bro Art nung nag-uusap kami after ng Waterhole FS nung Friday. Di ko na matandaan kung ano yung pinag-uusapan namin pero nasabi kong lagi na lang akong tagapag-alaga pero walang nag-aalaga sa akin. Sabi nya, "Hindi naman kasi kailangang hanapin sa ibang tao yun eh." Medyo paraphrased na yun, by the way. hehe
Tama si Bro Art. Hay. Ewan ko. Akala ko I have a strong sense of self. Hindi pala. I just come out strong to most people pero sa katotohanan, 'pag mag-isa na ako, sobra akong needy. Siguro dahil perception ng karamihan na strong ako, pati ako naniwala doon. Big mistake, Chinky.
Ang dami kong pinagdaanan this past week na malamang may carryover to this coming week. Kailangang magpakatatag. Pero for now, dadaanin ko muna sa iyak.