Parang Kapiling
by Nyoy Volante
Sadyang kay hirap na ika'y mapalayo
Araw-gabi kang hinahanap
Bawat minuto ng bawat oras
Nais maramdaman iyong yakap
Alam ko na 'di maaari
Makapiling ka'y 'di muna mangyayari
Kaya't aking dinarasal lagi
Ang ikaw ay makausap marinig
Tangi kong hiling
Ang ngayo'y narito ka sa 'king piling
Ngunit kahit kay layo mo
Tila bang narito ka
'Pagkat sa tinig mo'y parang kapiling na
Alam ko na 'di maaari
Makapiling ka'y 'di muna mangyayari
Kaya't aking dinarasal lagi
Makausap ka at aking marinig
Tangi kong hiling
Ang ngayo'y narito ka sa 'king piling
Ngunit kahit kay layo mo
Tila bang narito ka
'Pagkat kung marinig ka lang
Puso ko'y sumasaya
Sa tinig mo mahal
Parang kapiling na
No comments:
Post a Comment