Saturday, July 31, 2004

Dala ng Hormones at Pag-iinarte

'Di ko maintindihan. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo? Wala naman ako sa 'yo. Kaibigan LANG. Well, sige, aaminin ko, AKALA ko kasi... Hay. Ang hirap talagang sabihin. Basta, AKALA ko lang talaga.. kasi naman, lagi kang sumasama sa akin. Well, noon 'yun. Marahil tama 'yung naisip ko dati na baka kaya ka dikit nang dikit sa 'kin ay dahil sa wala kang ibang makasama. Parang security blanket.. comfort zone.. natatanging tao na malapit sa 'yo na pwede mong makasama dahil 'yung mga malapit sa 'yo, nagsialisan na. Tama nga siguro ako. Kasi naman, bakit ko pa in-entertain 'yung idea? Ang gaga ko talaga. As if naman kasi.

Pero hindi pa rin excuse yun para masaktan ako. Feeling ko, masyado lang akong lonely kaya nagiging bitter ako. Ipinagdarasal ko na lang na alam nila ang ginagawa nila at mawala na itong nararamdaman ko para sa kanya.

Feeling ko pa may mga bagay akong 'di nalalaman. Hindi 'yung mga bagay na walang kinalaman sa akin. Syempre naman, ano namang pakialam ko r'on, 'di ba? Pero 'yung feeling na may tinatago sa 'yo for some reason. Makikita mong dalawang tao na nag-uusap. Makikita kang palapit, biglang tatahimik o ititigil ang pinag-uusapan tapos 'pag malapit ka na, bigla kang kukumustahin. Ok, tell me, praning ba ako? Malamang hindi ako 'yung pinag-uusapan nila. Hay. Ewan. Masyado lang akong madrama.

Mayroon di namang mga pagkakataon na nasasaktan ako dahil parang hindi ko na makausap ang mga kaibigan ko. May sarili na silang mundo. Ang pakiramdam ko pa kapag gusto kong makisali sa kanila, tila ba'ng isa akong dakilang ekstra. Ultimong kumain sa labas parang hindi ako pwedeng sumama. Feeling ko tuloy ang kapal ng mukha ko para imbitahin ang sarili ko. Nagmukha akong gaga.

Tapos nung isang araw, ako ang nagyaya kumain sa labas. At iniwan ako. Hindi man lang ako hinintay. Tapos yung isa kong inimbita, na hindi dapat kakain sa labas dahil nakakain na raw sya, biglang kumain sa labas at hindi rin ako hinintay. Pasalamat na lang silang lahat at umulan nang malakas pagkatapos ng Misa. At least I had a more reasonable excuse not to go out of the campus, at hindi lang dahil sa nagtatampo ako sa kanilang lahat. Umiyak (na naman) ako sa ACIL Room. Dalawa lang kaming tao noon sa room at nag-aaral pa 'yung kasama ko kaya hindi nya napansin. After a few "mukmok" moments, dumating 'yung isang taong niyaya ko na 'di na raw kakain. Tinanong lang n'ya kung ok lang ako pero hindi na lang ako tumingila sa pagkayuko ko sa mesa. And as usual, kumain na lang ako sa caf at nakipag-meeting sa Psy groupmates ko.

At hanggang ngayon, di pa rin ako kumakain sa KFC.

Ang profound ng problema ko, grabe. [oozing with sarcasm]

Speaking of figures of speech, I am currently in an ironic state: Member Relations head ako, pero hindi na ako maka-relate sa mga members.

Pero nung late afternoon, habang nagre-review ako para sa Theo orals ko, pumasok si TJ (my blockmate) & si Bea (high school friend) sa ACIL Room. Nakita kasi nila ako through the glass on the door. And I was so happy to see them. Gusto kong umiyak sa tuwa. Katatapos ko lang kasing mag-emote noon at bigla silang pumasok. It was like an answered prayer. I realized how much I missed their company. Wala na kasi kaming class ni TJ together tapos si Bea ngayon ko lang naging kaklase pero we don't get to spend time with each other pa rin. Hindi na lang ako nagdrama & I just enjoyed the few minutes they stayed with me. Oh, and the reviewer that I was using for the orals came from TJ. He gave them to me after his orals the day before. Hay. The sweet things your friends do.

At syempre... ang source ng aking "deep sorrow" (to quote Ms. Christine Mallion)... hirap na hirap akong akuin. Alam kong kasama ko Siya, even with my "KFC problem" (Tama, that's what I'll call it. hehe). Two weeks na tomorrow. Tatagal pa ba ako? Nag-forward ako ng 2 emails sa kanya. Counted na ba 'yun? Ewan. Basta miss ko na siya...

Sabi kagabi sa CMO Prayer Workshop, ang consolation in prayer, hindi necessarily equivalent to a happy feeling. Minsan, sobrang sakit, sobrang hirap ng feeling, but if it is for the good or if it has a high value, then it is also consolation.

Hay. Sorry Lord. Nahihirapan talaga akong makuntento sa presence Mo lang. Dati nagawa ko na, 'di ba? Tapos binigay N'yo siya sa akin. Tapos wala na naman. Back to zero. Siguro kasi I didn't really learn my lesson. Please, grant me the grace to be content with Your presence & love. Para rin hindi ko na saktan ang sarili ko at lalo na ang mga taong nasa paligid ko dahil sa pag-iinarte ko.

Napadasal ako bigla. Hay. Amen.


Kahit na 'di na gumising pa, h'wag lang malayo sa piling mo... Iniibig kahit ika'y PANAGINIP lang...

Thursday, July 22, 2004

Dominance

dominant
You have a dominant kiss- you take charge and make
sure your partner can feel it! Done artfully,
it can be very satisfactory if he/she is into
you playing the dominant role MEORW!

What kind of kiss are you?
brought to you by
Quizilla


Hay nako. Ms. Joyce Guerrero, ang galing mo talaga.Ü


I'm drowning in my tears...

Sunday, July 11, 2004

Spilled Ink

Wow. It's been a while since I spilled my thoughts here. Where have I been? I'm not sure either...

Anyway, here's a picture of the ACIL Council from last July 4, Sunday, after the Basic Orientation Seminar. We're not complete in this picture, but hey, I'm thankful for these guys who made everything wonderful with their talents, effort, time & enthusiasm. I love you guys!!!Ü




The end is finally coming.