Thursday, September 15, 2005

Hibernate

Napakagaling ko talaga. Umuwi ako ng mga 4:00PM kahapon. Sumabay ako kay Jaya. Nakarating ako sa bahay ng mga 5:15PM. Kumain ng merienda. Sumakit ang ulo kaya natulog ng mga 5:45PM. Refused to get up from bed for dinner. Didn't get up until 5:53AM. Mahusay, Chinky.

Ilang beses akong tinanong kagabi kung maghahapunan ako. 'Di ako sumagot. Ayaw na ayaw ko kasing napuputol ang tulog ko. Kapag nangyayari ito, lalo kong gustong pahabain ang tulog ko. Kung tuluy-tuloy ang tulog ko, mas sisipagin akong bumangon. May mga dapat pa naman akong ginawa kagabi. Tulad nga ng sabi ko sa previous entry ko, dapat gagawa ako ng mga papers. Oh well.

Rationalization ko lang 'ata ito. Medyo tinamaan kasi ako ng loneliness kahapon. Defense mechanism ko marahil ang pagtulog ko para hindi ko maramdaman yung lungkot. Hay.

Nasa RSF ako ngayon. Aatupagin ko 'yung isang survey na gagamitin namin para sa thesis. Free cut yung Educ Psy class ko ng 9:00AM. Thesis consultation mamayang 12noon. Muntik ko na namang hindi i-schedule ang lunch sa araw ko. Hay. Dadalhan ako nila 3cia & Hazel ng lunch from Jollibee. Pumunta sila sa UPIS para tanungin yung principal kung pwede kaming mag-pilot ng surveys doon. Sana pumayag. Kailangan na kasi kaming mag-pilot ng isang measure namin before our defense on the 1st week of October. Stress.

Sige na nga. Trabaho na.

No comments: